"Balik tanaw sa nakaraan "
Muling balikan ang tanging damdamin
sa nakaraan, habang nagmumukmok ako'y nakakulong dito sa mundong
ikaw ang hari at ako ang reyna mo . Ang diwa ko'y litong lito sa mga halo halong
ala ala na ikaw ay kasama ko . Sa panahong tayo'y malapit pa sa isat isa na unang
naramdaman ko ang totoong saya, kalungkutan at pagkapahiya dahil sa mga
galawang pang elementarya. Nalulunod ako sa aking kaisipan na
hanggang ngayon ay di mawari ang tunay na nararamdaan.
Umiiwas at takot ngunit sigaw ng aking puso ay ikaw
ang sakin at ako ay iyo. Ngunit napag - isip isip
ko wala naman tayo. At di maitatangging
isa ka sa mga taong bumuo at
nagpahalaga sa katauhan
ko , sala-
mat.
Febvaldez❤
Comments
Post a Comment