Posts

Showing posts from December, 2021

Soliloquy

 Soliloquy ng estudyanteng hinahamak. (humakbang ng 3 beses at tumigil, mangiyak ngiyak ang mga mata)  Habang buhay nalang bang akoy hahamakin,  Nakakapagod , Nakakabaliw , Iniisip ano bang ginawa kong mali para ituring nila akong walang kwenta. (tumulo ang luha at yumuko, ) Deserved ko ba ang ganto( napakuyom ang kanyang kamao)  Pinipintasan ako ng mga tao,  Ang hirap makibagay sa mundo.  Ang hirap maging totoo sa sarili ko.  Pagpasok sa eskwela rinig ko ang bulungan sa paligid at ako yun,  Habang naglalakad sa hagdanan dudurahan, minsay tatadyakan o sasapakin. (napatawa ng konti)  Sa dahilan daw na hindi ako nabibilang at hindi ako maganda. Haha..(pilit na tawa) (bumuhos ang luha) (humakbang papunta sa may sulok ng kwarto at unti unting umupo yakap yakap ang tuhod.) Napakahirap , Paano, wala na akong masabi sayo O sarili ko ,  Paano , tulong, tulong , may tao ba dyan ,tulong. Febvaldez❤
  "KAY GANDANG PAGMASDAN ANG PAARALAN NG SIA" Ang paaralang Southern Isabela Academy ay napakalawak ,  Amoy na amoy ang sariwang hangin ,  Dulot ng mga punong nakapaligid  ,  Kay sarap nga namang pagmasdan. Ang gym  kung saan madalas na lugar ng tanghalan ,  Mga programa , pagdudula  , sayaw  at iba pa.  Mula dito sa tinatayuan ko ,  Tanaw na tanaw ko ang lawak nito ,   Mahangin at dama ko ang lamig hanggang dito.  Ito ay gawa sa kongkretong materyales  Kaya kitang kita namang " the best".   Paghakbang ng ilang beses ,  Matatanaw  ang stage,  Malinis at  makikita , Ang kikinang kinang na baldosa. Ang New Building sa harap ko,  Pahaba ang gusaling ito , May tatlong silid na may anim na pinto,  At bintana ganun din sa kabila kung paghambingin ito.  Ang pader ay puti ang pintura , Ang bubong ay maroon,  Kay  aliwalas tingnan.  Kahit kay layo ng aking kinaroroo...
 Pumili ng dalawa sa mga tauhan sa ibaba. Paano magsalita ang: limang taong gulang na batang babae na hindi binilhan ng paboritong laruan. -  (umiiyak) hindi niyo na ako mahal , di niyo ako bibilhan ng laruan.huhu.( minsan ganyang ang mga linyahan ng mga bata kung hindi mabilhan ng laruan , nagtatatadyak , nagsasalita habang umiiyak at malakas ang boses)         2. Lalaking tinedyer na yayayain ang kamag-aral na babae sa JS Prom. - Uhm, maaari ba kitang yayahin na maging partner ko sa JS Prom.( Medyo may pahiya-hiya effect, at lahad ang kamay sa babaeng kamag-aral. Ang tono ng boses ng lalaki ay mahinahon , malinaw at magalang, ngunit minsan nanginginig dahil sa kaba.) Febvaldez❤
" Paglalarawan sa kanya." Isang lalaking matipuno, magalang at mabait, marunong makisama at makipagkapwa. Hindi siya kagwapuhan, ngunit  hindi rin siya pangit, ang pormahan niya'y simple lang complete uniform kumbaga , ngunit naka tsinelas naman. Mahilig siya sa math , kaya sa klase nila siya ang inaasahan.  Pagpatak ng uwian sabay kami sa daan, na habang humahakbang ay rinig ang  kaluskos ng dahon ,  at  ihip ng hangin na dumadampi  sa amin. Palangiti at minsa'y palatawa ,mahilig din siyang magjoke kaya nagkakataong akoy nahuhulog sa kanilang patibong(prank),na dahilan  ng pagkagalitan sakin ng aking mga magulang. Ngunit kahit ganon, lagi niyang inaalala ang mga taong malapit sa kanya. Ang buhay  high school ko ay wala masyadong kasiyahan kinig-kinig lang kay  maam at sir, ngunit ramdam kong espesyal ito dahil ramdam ko na siya'y naging totoo  sa panahon na iyon na akala ko ngayo'y isang panaginip at unti unting laglalaho. Febvaldez❤
"Balik tanaw sa nakaraan "                          Muling balikan ang                                            tanging damdamin    sa nakaraan, habang nagmumukmok              ako'y nakakulong dito sa   mundong  ikaw ang hari at ako ang reyna mo . Ang       diwa ko'y litong lito  sa mga halo halong    ala ala na ikaw ay kasama ko . Sa panahong tayo'y malapit pa sa isat isa na   unang        naramdaman ko ang totoong saya, kalungkutan at pagkapahiya dahil sa    mga              galawang   pang   elementarya.   Nalulunod  ako   sa   aking  kaisipan  na       ...
"Bituing Marikit" Sa madilim na paligid kay liwanag ng  buwan , Bituin ay nagniningningan, Sa isang tingin ay di mahahilap Na laging dumudungaw saaki't gumagabay  Malungkot na gabi sa bituing  marikit, Ligaw na puso ko'y binibigyang init ,  Sa magulong isipan ay nagsasabing laban, Na ang mithiing ay na sa dulo ng karimlan, Pagod, hintay at naubusan ng kulay, Pag-asang walang kasiguraduhan lalong lalo na't pagsapit ng kaumagahan,  Pero kaibigan wag paghinaan ,   Paglubog ng araw paghihintay lang ang kailangan upang muling masilayan. Febvaldez❤
  "Mabagsik na pandemya sa bansa" Sa noo'y mapayapa at malayang bansa,    Ngayo'y nakakulong tulad ng agila,            Luha'y umaagos pighati'y sumamot,          Dahil sa  mga sakit na nakakatakot.  Ngayon ay nagpasya buong bansa sara,    Pagod sakripisyo ang inaalala,                    Upang mapakain ang ating pamilya,        Dulot ng pandemya wag isabahala.   *tula na may dalawang saknong, apat na taludtod bawat saknong, lalabindalawahing pantig. Ang tema ng iyong tula ay tungkol sa kalagayan ng ating bansa ngayon (pulitikal, kalusugan, moral, at iba pa).* Febvaldez❤
Image
 ❤❤🐼✨   ADOBONG MANOK Nakakalimot sa sarap ang Adobong Manok. ADOBOLICIOUS Ang adobo ay tumutukoy sa paraan ng pagmamarinate at stewing para sa anumang hiwa ng karne o isda sa isang masarap na pinaghalo-halong suka , toyo at mga pampalasa. Hindi man opisyal, pero ang adobong manok ang isa sa pinakakilalang main dish sa bansa. Marami rin nag-iisip na ang adobong manok ay ang pambansang pagkain ng pilipinas. Ito ay madalas na ibinababad ng apat na oras o magdamag para sa masmasarap at malasang kalalabasan. Ito rin ay kadalasang hinahaluan ng mga gulay tulad ng patatas, karot at iba pang dekorasyon. Ang kulay ng adobo ay magkakaiba merong dilaw,  puti,  mamulamula depende sa lugar na pinagmulan nito. At isa na rin ang adobo sa tradisyon ng mga pilipino na kadalasang hinahain sa hapag. At ang Adobong Manok ang pinaka paborito ko sa lahat dahil sa malaparaiso nitong lasa at madaling lutuin. #MPFoodBlog #adobolicious Febvaldez❤