"KAY GANDANG PAGMASDAN ANG PAARALAN NG SIA"


Ang paaralang Southern Isabela Academy ay napakalawak , 


Amoy na amoy ang sariwang hangin ,


 Dulot ng mga punong nakapaligid  ,


 Kay sarap nga namang pagmasdan.




Ang gym  kung saan madalas na lugar ng tanghalan ,


 Mga programa , pagdudula  , sayaw  at iba pa.


 Mula dito sa tinatayuan ko ,


 Tanaw na tanaw ko ang lawak nito , 


 Mahangin at dama ko ang lamig hanggang dito.


 Ito ay gawa sa kongkretong materyales


 Kaya kitang kita namang " the best".


  Paghakbang ng ilang beses ,


 Matatanaw  ang stage, 


Malinis at  makikita ,


Ang kikinang kinang na baldosa.




Ang New Building sa harap ko,


 Pahaba ang gusaling ito ,


May tatlong silid na may anim na pinto,


 At bintana ganun din sa kabila kung paghambingin ito. 


Ang pader ay puti ang pintura ,


Ang bubong ay maroon,


 Kay  aliwalas tingnan. 


Kahit kay layo ng aking kinaroroonan , 


DAhil sa unang sulyap , 


Masikip at madilim kung mapapansin ,


Hatid ng mga punong pumipigil sa liwanag na marikit.


 Subalit  pagmasdan,  napakagaan sa loob ang tanawin .




Ang old building  ,


Unang impresyon ko sa building na ito ,


 Nakakakilabot at nakakatindig balahibo.


 Halatang luma  at gusaling gawa sa kahoy ,


 Pintura ng pader ay kupas ng medyo,


Disenyo ay luma  na. 


Masulok at mga puno ay mas marami na,


Tahimik ang lugar  mistulang  parang walang buhay.


 Ngunit kung tutuusin 


Isang normal lang na silid ,


Ay nagbibigay ala-ala at  historya sa paaralan ng SIA. 




Ang umbrella tree,


Ito ay nasa harap ng old building ,


maliit ang espasyo.


Maaari itong tambayan o lugar hintayan,


Presko  at napapalibutan ng mga magagandang halaman.


Ang tanaw at paligid nito ay epektibo,


Sa mga mahilig sa selfie's  at romantiko. 


Tugma ang kulay ng mga dahon ,


Sikat ng araw  ay may baon , 


Temperaturang nagbibigay ng malafantasiyang  nayon .




Ang wash area ay malilim ,


Malaking kahoy ang pumipigil ,


Ang espasyo ay sakto  , 


May faucet at lababo.


Ang lugar na ito sa hugasan ng kamay at paa.


Ang pader ay puti ang pintura ,


Ang paligid nito ay malinis . 


Malapit  sa Gymnasium at New building.




Huli ay ang flag pole, 


Nasa harap ng old building . 


Malawak , malinis at katamtaman ang laki ng mga damo .


Maliwanag at tirik ang araw dito . 


Noo'y ginaganap ang pagtataas ng bandila tuwing lunes ,


Pagbababa ng bandila naman tuwing biyernes. 


Sadyang nakakagaan sa pakiramdam.




Napakaganda ng SIA 


Di ko man personal na nadama , 


Naamoy ang nakakaakit na bango ng mga puno ,


Masilayan ang bawat sulok nito , 


Magdiskobre  ng bago 


At maranasang umupo  sa silid aralan,


kasama ang mga kaklase ko ,


Nagagalak parin ako dahil nag aral ako dito.




Febvaldez❤

Comments