" Paglalarawan sa kanya."

Isang lalaking matipuno, magalang at mabait, marunong makisama at makipagkapwa. Hindi siya kagwapuhan, ngunit  hindi rin siya pangit, ang pormahan niya'y simple lang complete uniform kumbaga , ngunit naka tsinelas naman. Mahilig siya sa math , kaya sa klase nila siya ang inaasahan.  Pagpatak ng uwian sabay kami sa daan, na habang humahakbang ay rinig ang  kaluskos ng dahon ,  at  ihip ng hangin na dumadampi  sa amin. Palangiti at minsa'y palatawa ,mahilig din siyang magjoke kaya nagkakataong akoy nahuhulog sa kanilang patibong(prank),na dahilan  ng pagkagalitan sakin ng aking mga magulang. Ngunit kahit ganon, lagi niyang inaalala ang mga taong malapit sa kanya. Ang buhay  high school ko ay wala masyadong kasiyahan kinig-kinig lang kay  maam at sir, ngunit ramdam kong espesyal ito dahil ramdam ko na siya'y naging totoo  sa panahon na iyon na akala ko ngayo'y isang panaginip at unti unting laglalaho.



Febvaldez❤

Comments